mga kalansay sa haraya

Wednesday, May 10, 2006




Nakatapos na rin makatapos ang mahabang paglalakbay sa akademya.

Tuesday, April 11, 2006

Ang una mong pagtahimik

Malabo ang fluorescent sa kisame ng aking kwarto,
Hindi ko mabanaag ang mga pamagat
Ng aking mga libro sa aking dilaw na bookshelf,
Nakakalat mga papel
Na may tulang ang iba’y ‘di tapos
Sa study table na may dambuhalang salamin
Kung saan nakikita kita
Sa aking balintataw
Tuwing ako’y nananalamin.

Sarado ang pintuan ngunit
Gusto kong tumagos at magtungo
Sa Purok 2, Brgy. Cobo, Tabaco City,
Na kahit ‘di ko pa alam ang eksaktong lugar
Ng inyong bahay ay hahanapin ko,
Makita lamang kita at makausap.

Parang ‘di ko na mahintay ang bukas
Ngunit malabo ang aking paningin
Upang tahakin ang daan
Patungo sa aking puso,
Medyo maga pang mata at malalim ang ngalumata,
Baka lalo ka pang mainis kung ako’y dumalaw
(Kung ikaw man ay naiinis sa akin
na ang tanging kasalanan ay ang ika’y ibigin).

Ako’y iyong patawarin
Kung ako’y may kasalanang nagawa na di ko alam . . .
Malagkit ang aking pisngi,
Tuyo aking labi,
Malabo ang aking paningin ngunit
Ako’y may bisyon sa isang liwang
Na dulot ng isang wagas at lantay na pag-ibig.

3 April 2006
8:10 P.M
La Trinidad, Legazpi City

S.P (Siyanga Pala): Ginawa ko ang tulang ito nang panahong akala ko’y galit ka sa akin. . .

Gem, kung magagalit ka sa akin, malulungkot ako ng labis labis.

Saturday, April 08, 2006

from upper left to lower right, is it right?

The Skull of Richard Madrilejos, Paul Mc Cartney,
Ringo Starr and George Harrison.

Richard Madrilejos is John Lennon,
John Lennon is Richard Madrilejos

Believe. . . Let it Be



Badeth and Cath . . . very promising young writers. . . i'm not joking

Miss you guys



Ipinanganak ang litratong ito pagkatapos ng pulong ng Pegasus, ang Opisyal ng Pahayagang Mag-aaral ng Pamantasan ng Aquinas sa Legazpi. . .

Nakalulungkot dahil hindi kami kumpleto sa litratong ito ngunit higit ang pighating bitbit ng kaisipang kakaunti lamang sa mga Aquinian ang masasabi nating nakikialam o may pagmamalasakit sa mga isyu na nakaaapekto sa mga estudyante at mga magulang natin na nagpapawis ng dugo maitawid lang tayo sa pag-aaral.

Lahat ng bagay sa mundo ay sadyang panandalian lang. . . tulad ng ating mga relasyon, pero hindi ang mga ala-ala na nagdulot sa atin ng labis na saya; ito ang mga ala-alang nais nating tawaging gunita.

Hindi ko makalilimutan na naging bahagi ako ng Pegasus. Sweet and Sour ang pagiging isang manunulat, matamis dahil masayang mapabilang sa isang organisasyon, sila ang mas tumitimo sa isip kaysa sa ating mga subject, maasim dahil minsa'y hindi nabibigyan ng pansin o mga benefits ng administrasyon, sabi nga ng isang kaibigang tibak, "para na nilang binigyan ng patalim ang kalaban kung ito'y kanila pang tutulungan.

Ang tunay na kalaban ay hindi ang mga muslim o kristiyano, hindi rin ang mga Amerikano o Intsik kundi ang pagnanasang pansarili lamang. Hindi tayo magiging ganap na masaya hanggang self-centered tayo. Kailangan nating magmahal, bakit hindi natin ialpas ang pag-ibig sa ating mga kapitbahay, kamag-aral, bayan, dayuhan hanggang matutunan nating mahalin ng dalisay at buong puso ang ating Panginoong Diyos?

. . .padayon sa mga kabataang manunulat na ang tinta ay kalayaan!



Sila ang mga artista ng unang beybi ng An Banwa, Kultura, buda Arte kan Tabaco: "Sikat, Pasok o Tigok," isang experimental script na naaayon sa ating panahon na isinadula sa LCC Tabaco Activity Center noong Sept 25-26, 2005.

Multi-Media pagdulog sa iskrip na ala-reality based show. Ang kwento ay tungkol sa limang kabataang nagnanasang makamit ang kani-kanilang pangarap.

Hindi lahat ng tao'y gustong maging sikat upang ang tingalain ng madla, ang iba'y ginagawang hagdan ang tagumpay upang makatulong sa kapwa, ang iba'y nadadala lamang ng agos sa panahon, anupaman ang dulang Sikat ay isang tagumpay di lang ito nagdulot ng tuwa sa puso ng mga tao kundi ito ay isang daan para sa pagpapaunlad ng kultura ng mga Tabaqueño.

Marami pang ihahandog sa mga Bicolano ang An Banwa, sana'y suportahan natin sila. Tagumpay natin ang kanilang tagumpay. . .


. . . mga sandaling naiukit na sa alaala.

mga araw na ang tinta ang bumubulalas ng aming mga pinakamalalim na paghahanap sa mga katanungan ng pag-iral ng isang estudyante.

Padayon sa Pegasus!
Kudos sa mga Aquinian . . .

ang una ang pinakamasarap sa lahat
naaalala ko pa nung una akong napasyal sa inyo.
nag-luto tayo ng okra,
ako ang pinasalang mo ng tubig sa kawali habang
hinihiwa mo ang kamatis,
nakasaing ang kanin at ako ang pinaghanda
mo ng mga plato sa dulang.

tila tayo mga musmos mula sa dapithapon,
maghapong naglakad nag-usap kung saan nagmula
at ano ang dapat patunguhan,
tinanong mo sa aking kung ano ang mas maganda sa sining
nang gabing manggaling tayo sa pantalan,
sinabi kong ang Diyos at ika'y hindi naguluhan.

di ka pagal na nagyaya sa inyo at sabay na naghanda ng hapunan,
salo tayong nag-luto upang mapalagay at mapalapit
sa isang bagong kaibigan.